Posts

Showing posts from November, 2009

hinagpis sa araw ng pasko

(October 13, 2008) Nagsisilabasan na naman ang mga naghihigantiang Christmas trees na napupuno ng mga palamuting kakaakit-akit, ang mga makukulay na Christmas lights na nagbibigay liwanag at aliw sa mga madidilim na sulok ng bahay, ang mga parol na umiindayog kasabay sa pag-ihip ng malamig na hangin, at ang pagbabalot ng tila anong mahika sa tuwing ang mga pamaskong himig ang tumutulig sa ating mga pandinig at humahaplos sa ating mga puso. Nanunuot na naman ang malamig na haplos ng hangin sa aking buong pagkatao, at sa di malamang kadahilanan, sari-saring emosyon ang naghahari sa aking kalooban. Oo, siyempre masaya, maliban sa pagkakaroon ng pagkakataon upang makapagpahinga saglit sa tambak na mga gawaing pampaaralan, ay ang pagkakaroon rin ng pagkakataong makita’t makasama ang mga kapamilyang paminsan-minsan lang magtagpo ang landas. Gayunpaman, may lungkot rin at takot na umuumapaw sa aking damdamin. Sa ilang pasko na dumaan na sa aking buhay, ilang be...

a major turning point

There are some points in our life that our curiosity heightened, we questioned everything we knew – from petty things to unexplainable circumstances. We were taught with new knowledge, but most often too much information we’ve accumulated lead us to much more curiosities and a never-ending quest for answers. We will then realize life is getting more complicated, and we have to agree that the more you know is in fact the more you don’t know. For almost 96 percent of my life I was confined in a conservative, spiritually inclined culture, I was raised enveloped with fear not to do the things which is against His will, otherwise I end up burning in the fires of hell. I spent eight years of my childhood in a Catholic school, where I was taught how to pray the Holy Rosary three times a day, how to sing a worship song every Friday, how to attend masses and memorize the gospel every Sunday, and how to recite a prayer for the Blessed Sacrament everyday. I was flooded with too much knowledge ab...

bago ako magpaalam

Heto na naman ako, naging sandalan, naging takbuhan, naging tagapayo at naging iyakan ng matalik kong kaibigang si Cyber. Ganito naman lagi eh, napapansin lang na I am existing kung nagkaproblema siya sa nililigawan niya. Hanggang kelan ba ako maging ganito? Ganito nalang ba lagi? Mahirap ang maging panakip-butas, at eto ang buhay ko. Naisin ko mang magalit, ngunit di ko naman magawa. Sapagkat ang mga pagkakataong ako’y kanyang sinasandalan, tinatakbuhan, hinihingan ng payo at iniiyakan, ay ang mga pagkakataong nakakasama ko siya, at iyon ay naging mahiwagang sandali para sa akin. Ayokong pumalag, dahil baka sa pagpalag ko, papalag din ang pagkakataong yun. Ayokong mawala sa kanya at ayoko ring mawala siya sa akin. Kahit ganito, masaya naman ako kahit papano. Ngunit sa mga oras na sumasandal siya sa akin at umiiyak, di ko mapigilan ang paghulog ng aking loob sa kanya. Oo, natutunan ko na siyang mahalin na alam ko namang mali . Masakit pakinggan...

HInadlangang pag-ibig

Kailan kaya niya maririnig ang halos ipagsigawan ko nang damdamin? Kailan pa kaya niya maramdaman ang aking mga yakap? Kailan kaya niya makita ang mga ginagawa ko para sa kanya? Kalian kaya? Kalian? Malaya nga ako. Nagagawa ko angmga gusto ko ng walang tumututol. Nararating ko ng libre ang mga lugar na dati’y sa libro ko lang nababasa’t nakikita. Nalalaman koang mga sikreto na di naman sinasabi sa akin. Naririnig ko ang mga tagong hikbi at bulong ng panawagan. Subalit, di man lang ako pinapansin. Lingid sa kaalaman ng karamihan na may isang kaibigang sumusubaybay sa kanila, tumutulong sa mga problema at bumubulong ng mga sagot tuwing exam. Ako nga pala si Mayah, kaibigang di niyo na inabala pang kilalanin. Kung sa bagay,kaluluwa lang naman ako. Oo, di ako nagbibiro, kaluluwa lang ako ng isang teenager na di man lang nagawang ienjoy ang panahon ng kabataan at buhay hayskul, at di rin tinantanan ng sakit na kanser. Haaaay…. Hanggang ...