HInadlangang pag-ibig
Subalit, di man lang ako pinapansin. Lingid sa kaalaman ng karamihan na may isang kaibigang sumusubaybay sa kanila, tumutulong sa mga problema at bumubulong ng mga sagot tuwing exam.
Ako nga pala si Mayah, kaibigang di niyo na inabala pang kilalanin. Kung sa bagay,kaluluwa lang naman ako. Oo, di ako nagbibiro, kaluluwa lang ako ng isang teenager na di man lang nagawang ienjoy ang panahon ng kabataan at buhay hayskul, at di rin tinantanan ng sakit na kanser. Haaaay…. Hanggang sa tuluyan nang sumuko ang katawan at nilagutan na ng hininga.
‘wag niyo na sanang tanungin pa ang aking nakaraan, iiyak na naman ako ulit e! Di ko pa kasi lubos na matanggap ang aking maagang pagkawala sa mundo. Pero di gaya ng dati, masaya na ako sa aking nagging buhay ngayon, masakit lang minsan na makakita ng nag-iisa kong kamag-anak o kaibigan at ako wala man lang magawa, kahit nasa tabi na nila ako, di pa rin nila nafifil ang existence ko… Lalong – lalo na si Dwayne.
Ilang buwan ko na rin siyang sinusubaybayan, alam ko nahalos lahat tungkol sa kanya. Una ko siyang nakita, nung minsang gumala akosa campus ng paaralang pinapasukan ko nung hayskul. Mag-isa siyang nakaupo sa isangbench sa mini park ng skul.hangang-hanga talaga ako sa kanya. Di lang sa kanyang angking kagwapuhan kundi maging ang kagalingan niya sa pag - analisa ng numero. Mahilig rin kasi ako nun sa Math, yun nga lang wala nagawa ang addition para pahabain ang buhay ko.
Di niya alam na di siya nag-iisa. Di niya alam na kasama niya ako lagi at lagi siyang binabantayan, inaalagaan at tinutulungan. Nakisabay ako sa kanyang pagtawa at maging sa kanyang pag-iyak. Nagging kopyuter ako para masigurado kong di niya malilimutan ang kanyang mga sinaulo niyang aralin pag may exam sila o maging recitation man kinabukasan.
Pero ngayon, parang ayoko ko siyang makitang nakahiga at nababasa ko sa kanyang isip ang pagpantasya sa isang babaeng maykagandahan nga naman talaga. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Akala ko walang damdamin kaming mga kaluluwa. Pero, ako, aaminin ko man sa hindi, di ko pa rin maikakaila na nakakaramdam ako ng sakit. Bakit? Pag-ibig na ba to? Di pwede sapagkat kahungkagan lang tong nararamdaman ko.
Kahit mahirap, pinilit kong umiwas at umeksena pa sa buhay niya, ayoko nang makialam pa. kaya isang araw, nakita ko nalang ang aking kaluluwa na nililibang ang sarili sa ibang routine, sa ibang bagay, sa ibang lugar, at sa ibang tao. Di ko alam kung ilang araw ako nawala sa tabi ni Dayne, inabot ko ang mga malalayong lugar na dati sa panaginip ko lang makakayang abutin. Napuntahan ko ang mga magagandang lugar na di ko inakalang meron. Mula sa mga madisyertong pook hanggang sa mayeyelong lulan. Nagtambay-tambay ko rin sa tuktok ng
Ngunit, parang may strong gravitationalforce akong naramdaman pabalik kay Dwayne. Sa pagbalik ko, nagulat ako ng makita ko siyang tila binagsakan ng langit at pasan niya ang mundo. Tinataning ko siya, ngunit di niya naman ako sinasagot. Labis na talaga ako sa kanya. Magpapakita nalang ba ako sa kanya? Kaso baka matakot siya sa akin at ako’y iiwasan na niya. Ayokong mawala siya sa akin. Bakit? Diyos ko! Ito na bang pag-ibig na halos pinoproblema n karamihan?!
Kinagabihan, di tipikal na Dwayne ang sinusubaybayan ko, di ko na nasilip an gang mga lihim nitong ngiti, at iabayong energy. Ngunit ikinabigla ko ng marinig ang pagbulong niyang:
“ba’t sunud-sunod naman tong kamalasan sa akin? Nag-aaral namn ako ngunit bakit bagsak pa rin? Tapos kanina ang dali-dali ng tanong sa recitation di ko pa nasagot? Whew! Lahat ng ito ba’y dahil sa pagiwas sa akin ni Nancy?”, at nagbuntong-hinga siya.
Comments
Post a Comment