...ang kwento sa likod ng bawat tinta at itinapon na papel
Sa loob ng maraming taon, hindi ko na namalayan na ang buhay ko ay unti-unti nang isinusulat ng lapis at bolpen sa papel… Simula ng ako’y natuto nang humawak ng lapis, buong puso ko na ring ibinahagi ang aking sarili sa iba’t ibang klase ng papel na aking sinulatan, pinunit, ginuhitan at itinapon depende sa sakit at tamis na aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Gayon pa man, hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin lubos na maisulat at mailarawan kung anu nga ba talaga ang gusto kong itala at isulat sa buong buhay ko – alam ko rin naming hindi ito isang ‘term paper’, ‘research paper’ o kahit anong ‘essays’ na may deadline kung kelan mo ipapasa at may nagdidikta kung anu ang dapat mong isulat… Tandang-tanda ko pa nung bata pa ako, kahit anong sumagi sa isipan isusulat agad sa kahit anong papel – kalendaryo man, wastong sulatan, o kahit pader. Hindi ko lang alam kung bakit at paano, ngunit lagi ko nalang rin nakikita ang sarili ko sa isang sulok ng akin...