bago ako magpaalam
Heto na naman ako, naging sandalan, naging takbuhan, naging tagapayo at naging iyakan ng matalik kong kaibigang si Cyber. Ganito naman lagi eh, napapansin lang na I am existing kung nagkaproblema siya sa nililigawan niya. Hanggang kelan ba ako maging ganito? Ganito nalang ba lagi? Mahirap ang maging panakip-butas, at eto ang buhay ko.
Naisin ko mang magalit, ngunit di ko naman magawa. Sapagkat ang mga pagkakataong ako’y kanyang sinasandalan, tinatakbuhan, hinihingan ng payo at iniiyakan, ay ang mga pagkakataong nakakasama ko siya, at iyon ay naging mahiwagang sandali para sa akin. Ayokong pumalag, dahil baka sa pagpalag ko, papalag din ang pagkakataong yun. Ayokong mawala sa kanya at ayoko ring mawala siya sa akin. Kahit ganito, masaya naman ako kahit papano.
Ngunit sa mga oras na sumasandal siya sa akin at umiiyak, di ko mapigilan ang paghulog ng aking loob sa kanya. Oo, natutunan ko na siyang mahalin na alam ko namang
Hirap umasa sa di mo alam kung ano ka sa kanya, di mo alam kung san ka dapat lumugar. Minsan akala mo mahal ka niya, yun pala pinasasaya ka lang niya, dahil alam niyang mahal mo siya. Kaya ayokong umasa. Pero, nakikita ko pa rin ang aking sarili na umaasa na balang araw, mapapansin niya rin ako. Kay hirap magdesisyon, pero siguro mabuti nang habang maaga pa iiwasan ko nalang siya. Mas madali namang bumitaw kesa umasa di ba?!
Malalim na ang gabi, buo na rin ang aking desisyon, - ako’y iiwas na kay Cyber, dahil pagkasama ko siya nadadagdagan lang ang sakit sa aking puso. Malakas ang ulan na tila nagrerebelde sa bubungan at ang hangi’y animo’y may ninanais isigaw. Yun lang ang bumubingi sa aking pandinig. Dinalaw na rin ako ng antok, kaya pinikit ko na ang aking mga mata, handa na sa kung anu mang maging kahihinatnan ng nagawa kong desisyon.
Subalit, sa di alam na kadahilanan, ramdam ko ang pagdaloy ng malamig na luha sa aking pisngi. Pilit pinipigilan ang palihim kong hikbi hanggang sa tuluyang makatulog. Ang tanging nakakaalam ng lahat ng aking pagdurusa dahil sa kanya ay ang aking diary.
Nakakalimutan ko minsan ang isakatuparan ang naging desisyon ko. Mahirap humagilap ng sanlibong rason sa tuwing siya’y lumalapit sa akin. Minsan nama’y nakikita ko ang aking sariling nakokonsensya at naaawa sa kanya pag siya’y madatnang malungkot at nag-iisa. Mahirap, pero kinakailangang gawin dahil di lang to para sa akin kundi maging para na rin sa kanya. Kahit papano nagawa ko ito sa loob ng isang lingo!
Hanggang sa isang hapon, mag-isa akong naglalakad nang biglang may humawak sa aking mga balikat mula sa likuran, sabay bulong ng isang boses lalaki sa aking tenga.
“Madel, may nagawa ba akong
Di ako nagkamali sa pagkilala sa boses ni Cyber nang lumingon ako at ang mga mata niyang manunuyo ang tumambad sa akin.
“Iniiwasan? Panu mo naman naisip yun? Di naman ah… ba’t naman kita iiwasan?,” nataranta kong sagot at agad mabilis na tumalikod papalayo.
Nang ramdam kong malayo –layo na rin ang aking nilakad, binagalan ko ang paghakbang at napukaw na rin ang nataranta kong pag-iisip. Huminto ako sa paglakad at huminga ng malalim.
“Yan bang hindi iniiwasan? Di ka naman kasi masyadong nagpapahalata eh!”
Ikinagulat ko iyon, nang lumingon ako, nakita ko si Cyber. Pareho kaming hinihingal. Kung gaano kabilis ang paglakad ko, ganun din siguro kabilis ang paghakbang niya.
“Oo, iniiwasan nga kita. Ano kuntento ka na? yun lang naman gusto mong malaman sa ngayon di ba? Nasagot ko na, kaya pwede ba wag mo na akong lapitan…”
“Pero Madel… kailangan kita..,” pag-awat niya sa mga sinasabi ko.
“Kailangan mo ako? maging sandalan, takbuhan, taga – payo, iyakan.. ano pa? panakip – butas?! Im sorry Cyber, pero di kita kailangan. Lumayo ka na nga!” sunud-sunod kong sabi sa kanya na tila nga siya’y aking pinagtabuyan. Kung alam niya lang
Kitang-kita ko kung paano siya tumalikod at lumakad palayo hanggang sa di ko na siya maabutan ng tanaw. Ngunit di niya nakita ang pagsisiunahan ng aking mga luha at di rin niya narinig ang pasaad ko ng ‘patawad’.
Martir bang tawag sa akin? Dahil sa totoo, di naman siya yung nasasaktan, kundi ako. Magdamag naman akong di nakatulog, tumutulig sa aking pandinig ang mga binitiwan kong salita. Ngunit bakit ganun, sa halip na siya na nga tong nakatanggap ng masasakit na salita, e ako pa to ngayon umiiyak? Kung makasalita lang
Nagising ako kinaumagahan na may takot pumasok sa eskwela. Takot sa pagharap sa kanya. Di ko alam kung ano ang aking gagawin, tila wala na akong mukha pang ihaharap sa kanya. Bahala na.
Ramdam ang tension sa pagitan naming. Walang pansinan, walang kibuan. Tila hindi magkakilala kung magkrus man ang landas. Ang dating matalik na magkaibigan ngayo’y mahigpit nang magkaaway. Cold war nga sa pagitan naming. Iniiwasan ko siya at iniiwasan niya rin ako. Haay! Mahirap ang may iniiwasan! Sana’y di nalang kami nagkalapit nang di na ako nagdusa ng ganito.
Lumipas ang isang buwang may hidwaan sa amin. Mahirap pala pigilin ang nararamdaman. Mahirap kontrolin ang puso. Mahirap pagdiktahan ang isipan. At higit sa lahat, mahirap ang magtago ng isang sikreto – sikreto na baling araw maaari ko itong ikawala ditto sa mundo.
Napadalas na kumakailan ang aking panghihilo, nahihirapan sa paghinga at pananakit sa dibdib. Walang sinu man maliban sa aking pamilya ang nakakaalam ng aking karamdamang simula pa pagkabata. Pinipilit kong itago, pinipilit tumawa sa likod ng paghihirap ng katawan. Pinipilit kong maging mabuting tao sa mga taong nakasalamuha ko. Pinipilit mabuhay ng normal. Subalit nagyon tila di ko na kaya pa, sinabi na sa akin ng eksperto na anu mang oras maaari na akong magpaalam sa mundo. May sakit ako, simula pa pagkabata may ‘heart failure’ na ako at ayaw na ayaw ng mga magulang ko na magtimpi ako o masaktan dahil nagpapalala lang iyon ng aking karamdaman.
Subalit, di nila alam. Ang tanging diary ko lang ang nakakaalam ng lahat. Kung paano ako pagpigil ng paghikbi na halos ikakasabog na ng aking dibdib.
Uwian na isang hapon, mag-isa akong naglalakad palabas ng gate, matapos nagpaalam sa iba pang mga kaklase na mauna na akong umuwi. Masama na yung pakiramdam ko. Hilung-hilo. Nahihirapan ako sa paghinga, tila may kung anong kumukurot sa aking dibdib. ‘Kaya ko to!’ bulong ko sa aking sarili. Ngunit, ako’y nagkamali, biglang nanghina ang aking tuhod.dumulim ang aking pananaw at… tuluyan nang nawalan ng malay.
Di ko na alam ang sumunod pang nangyari, nagising nalang akong puro puti ang aking nakikita. Pinikit ko muli ang aking mga mata, at nakaramdam ako ng malamig na dunluhang dumaloy sa aking pisngi. Hindi pa nga ako tuluyang lumisan sa mundo, sapagkat may nararamdaman pa ako.
“Dinala na kita dito sa ospital. Sabi ng doctor, mabuti at naagapan pa kita sa pagdala ditto sa ospital bago pa tuluyang tumama ang iyong ulo sa bato.”
Dinilat ko ang aking mga mata ng narinig ko ang isang boses lalaki. Ikinagulat kong Makita si Cyber. Siya pala. Siya pala ang nagdala sa akin ditto sa ospital. Siya pala ang tumulong sa akin.
“
“Bakit di mo sinabi sa akin na may sakit ka? Bakit pati iyon tinago mo pa sa akin? Bakit ang dami mong nilihim sa akin?” sunud-sunod niyang tanong na tila may kung ano sa boses niya.
Di ko gusto na makita niya akong umiiyak, di ko gusting kaawaan niya ako, kaya din a ako nag-abala pang titigan siya, di ko siya matingnan o masulyapan lamang. “Ngayon alam mo nang may sakit ako sa puso, yun lang naman nilihim ko sayo, sa inyo,” at yun na ang pagkakataong tinitigan ko siya.
Ikinagulat ko nang makita kong hawak-hawak niya ang aking diary. At nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha.
“Bakit nasa sayo yan?” pagtataka ko.
“Nakita ko to sa bag mo,” nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan naming, nagkatitigan lamang hanggang sa pagpatuloy niya, “kung di pa dahil dtto, di ko pa malalaman ang lahat. Bakit di mo na lang kasi sinabi sa akin nang sa gayon di pa tayo pareho nahirapan at baka di pa nauwi ditto yung paghihirap ng karamdaman mo.”
“Sinungaling ako pag ideny ko na hindi kita kailangan, ngunit nasabi ko lang iyon dahil alam kong wala rin patutunguhan tong nararamdaman ko. Mahirap magkagusto sa taong walang gusto sayo, ako lang ang nagdusa, hidi ikaw,” tila may kung anong natanggal sa akin matapos kong sabihin iyon, nagkaroon ako ng kalayaan, sapagkat, sa wakas, naamin ko na ang katotohanan. Wala na akong sikretong kinukulong sa aking mga puso at isipan.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay kong may nakatusok na dextrose. “Di mo kasi nakita ang aking mga luha matapos mo akong pagtabuyan nun, di mo naramdaman ang sakit sa mga pagkakataong nagka-iwasan tayo, di mo nababasa ang bawat panaginip ko at pantasya. Wala kangang alam Madel, ni di mo nga alam na lagi kitang sinusundan, lagi ako nasa likod mo, kaya alam kong may
Sa pagkasabi niya nun, di ko mapigilan ang pag-iyak ng tuluyan. “Pero iba ang gusto mo di ba?”
“Madel please… tahan na… lumalala pa lalo yung sakit mo dahil sa akin. Buong buhay ko, ikaw lang ang babaeng nakakaintindi sa akin. Di ikaw naging panakip butas Madel. Masakit yun pakinggan nang sabihin mo yun sa akin. Hindi mo kasi alam na ang mga payong ibinigay mo sa akin sa panliligaw ay siya ring ginagaw ko para ika’y ligawan,” pangungumpisal niya, at kitang-kita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. “Ikaw lang ang ginusto ko at ang gugustuhin ko habang buhay. Ang babaeng aking mamahalin buong buhay ko.”
Nagkaroon bigla ng katahimikan sa pagitan naming. Di ko alam kung paano ko sasagutin ang mga binitiwan niyang salita.
“Madel totoo ba tong mga nakasulat ditto sa diary mo?” tanong niyang bumasag sa katahimikang pumagitan sa aming dalawa.
“Bakit naming kailangan ko pang magsinungaling jan sa diary ko? Yan lang ang tanging nakakaalam ng lahat,” sagot ko habang nagkatitigan kami.
“Kung ganun, sabihin mo nga mismo sa akin,” nasilip ko ang kanyang ngiti at ibayong kislap ng kanyang mga mata nang sabihin niya yun sa akin.
“Mahal kita Cyber. Ngunit huli na ata ang lahat, anu mang oras pwede kong lisanan ang mundo,” naiyak-iyak kong saad, tanggap ko na sa sarili ko ang aking sakit.
“Hindi pa huli ang lahat Madel. Tatagan mo lang ang iyong loob, andito lang ako, di kita iiwan, di kita papabayaan at di ko hahayaang masaktan ka pa. Sabay nating labanan ang sakit mo. Tulungan mo ako at tutulungan din kita. Kung dati ikaw ang aking nagging sandalan,ngayon handa na rin akong maging sandalan mo. Mahal na mahal kita Madel.”
Kay sarap pakinggan ang mga sinabi niya. Nakakataba ng puso. Isang ngiti lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Niyakap niya ako. Sa mga yakap niyang yun, di ko na naisip na may sakit ako, na nasa ospital ako at ano mang oras maaari na akong mamatay. Nagging matatag ako.
Dahil sa kanya, natuto akong lumaban sa hamon ng buhay at paghihirap na aking dinaranas. Nagging malapit pa ako lalo sa Diyos. Lagging magaan ang loob dahil napalaya na nga akong katotohanan.
Si Cyber naman, lagging nasa tabi ko, lagi akong dinadalaw sa ospital. Tinutupad niya ang kanyang mga pangako. Kaya naman, nagkaroon ako ng tapang upang dumaan sa sari-saring tests at therapy.
Gayunpaman, tanging himala nalang ang makakapagaling sa sakit ko. Tanggap ko naman at handa na akong lumisan. Bukas na sa aking puso ang kung ano man ang maaaring mangyari. Dahil alam ko, mawala man ako, nakaiwan ako ng kahit konting alaala lamang. Walang pusong iniwang nasaktan. Walang katotohanang inilihim. Masaya na ako, kahit di ko pa naman narrating ang langit, kahit masakit ang mga karayom na tinutusok sa akin, parang narrating ko na rin ang langit – ang langit na pinapangarap kong puno ng kasiyahan sa puso’t isipan, at makahulugan ang bawat segundong dumaan.
Salamat sa aking diary…
haha.dis sum kind of drama ha.i know lub s2ry mo ni.hahaha.girl na girl ka ah aieeee :D
ReplyDeletebuangit., ndi noh.. laki kuh yah bai.. haha,. crush ku lng gd c maddel (who is she anyway?! haha).. but everything is a mere product of imaginations and fantasy.. lol.
ReplyDeletethanks for the comment..c: